Isang araw, nagmamasid ako sa aking Facebook news feed, napansin ko, medyo nakakarami na 'tong mga taong 'to ah. Dumadami sila, in fairness! Eto yung 25 taong nakakatuwa (or nakakatawa), onli in da Peysbuk!
Yung mga taong...
1. Magpopost ng medyo vague na status tapos pag may nagcomment ng "ano yan?" or "bakit?" ang sagot, "secret."
2. Magcocomment sa status na wala namang connect, like, "te, pasahan mo ko ng load."
3. Nagcocomment sa picture ng baby na parang yung baby yung kinakausap. "Kamusta ka, baby boy?"
4. Magpapahayag ng opinyon about politics, current events in English pa, wrong grammar naman.
5. Magpopost ng picture kahit blurred or against the light.
6. Magpapalit ng profile picture tapos isa-isang pasasalamatan lahat ng nag-Like para umangat sa news feed.
7. Hindi nagrereply sa birthday greetings, kahit yung ineffortan.
8. Yung mga nagpapaka-creative na gumagawa ng collage, tapos ang liliit naman nung photos individually. Langkwents.
9. Araw-araw naguupload ng picture ng baby niya, tulog, gising, umiiyak, tumatawa, kumakain. Photo album ang solusyon dyan or scrapbook.
10. Magpopost ng "off to SM" pero selfie or OOTD lang naman talaga ang pakay.
11. Pinapangalandakan na religious siya, sa Facebook nagsusulat ng prayers. I-tag mo rin kaya si Lord.
12. Nagchecheck-in lang pag nasa lugar na pangmayaman.
13. Nang-aakit ng masasamang loob sa pamamagitan ng pagpopost ng "home alone" or pagchecheck-in sa "Lot 1, Blk 2 Chever st. Zone 3, Sitio 4, Brgy. 918, Diliman, Quezon City." Lagyan mo kaya ng kulay ng gate.
14. Sabik magkaron ng kakambal, doble doble pa yung picture, isa lang naman itsura. Kinaganda mo yan?!
15. Nagsa-status ng all caps na manloloko yung jowa niya tapos maya-maya mahal na mahal na niya ulit. Tapos bukas with pic na naka-kiss.
16. Hindi pa nakakaalis sa sumpa ng mga apps na "God wants you to know" at "Photo of the Day."
17. Akala mo walang pinagsamahan, kung maka-greet ng "happy birthday," "HBD" lang.
18. Di mo alam saan pinagkukukuha yung mga pinapang-comment na images.
19. Nagpopost ng mga picture ng sugat, tissue sa ilong, bandaid na may design. Gamutin mo, te! Di kami mahahawa kahit anung post mo nyan!
20. Naguupload ng isang album 174 photos sa iisang lugar lang with two other friends na panigurado may isang picture na ang posing ay "Bulag, Pipi, Bingi."
21. Muntik na lumampas sa character limit ng Facebook kasi wagas makakwento ng encounter niya with a masamang-loob. Ipa-blotter mo kaya.
22. Lakas maka-brightness tsaka Camera 360 sa picture pero sa personal...
23. Sini-screen shot pa yung mga sweet text messages or video call nilang magjowa. Tapos magugulat (worse, magagalit) yung boylet kasi di niya alam na inupload. Well, part of the surprise yun. Sweet diba?
24. Lahat na hinashtag! Best in Hashtag! I-push mo yan!
25. Nagtthrowback ng picture na siya lang yung maganda. HAHAHA.
And finally!
26. Ipi-PM ka pa talaga para ipa-Like yung picture nila ng jowa niya! Kalokah!
Talaga naman! Onli in da Peysbuk! :)
Guilty or not guilty? You can invoke your right against self-incrimination. LOL.
Peace! :)
J.S.